Alam moba kung ano yung pinaka unang rason kung bakit tayo natatakot mag
take ng action sa business natin. Kung bakit nai-stuck up tayo at
palagi nalang sasabihin sa sarili natin na “mamaya na”.
Yun ay dahil hindi mo pa lubusan naintindihan yung benefits o reward na makukuha mo sa industry natin.
Huh??.. anong ibig mong sabihin?
Ganito, tayo kasing mga tao ay very normal lang na hindi agad mag take
ng action kung hindi pa natin lubusan naintindihan yung isang bagay.
Kung baga umiiiral yung takot sa isipan natin na magka mali tayo dahil
nga hindi pa natin naintindihan ng lubusan. Hindi pa natin naintindihan
yung benefits o reward kapag mag take tayo ng action.
Tanungin kita..
Bakit kaba sumali sa affiliate marketing?
..eh malaki kasi ng potential income.
..gusto ko kasing kumita ng malaki at yumaman.
..etc
Ito yung tinatawag na DEEPEST WHY natin.
Ang problema, sa dami ng distraction sa paligid natin, samahan mopa yung
mga negative mong kamag-anak, pamilya, kaibigan, ka-trabaho.. talagang
malo-low bat ka hanggang sa makalimutan muna kung bakit mo ginagawa yung
negosyo mo.
Nakapa importante na bilang isang entrepreneur ay laging kang motivated, POWEEEERRRR lage.. 🙂
Parang sasakyan lang kasi yan, hindi yan tatakbo kung walang gasolina.
Ganun din sa sarili mo, hindi mo ma overcome yung FEAR kung hindi ka
motivated at kung hindi mo naintindihan yung ginagawa mo.
My advice, continue reading books about network marketing, self
development na magbibigay sayo ng better understanding sa MLM industry.
At syempre i-apply mo yung matutunan mo.
Sa huli, negosyo mo parin yung bini-build mo. Be responsible in your business. Be resourceful.
Wag mong hayaan na maghinayang ka balang araw dahil hindi mo ginawa yung
gusto mo. Dahil takot kang ma reject, takot kang mag fail at takot kang
magka mali.
Wag mong hayaan na darating yung araw na sabihin mo sarili mo na “ sana
ginawa ko yun, sana hindi ako natakot ma reject, sana hindi ako natakot
mag fail”. Hindi sana ganito yung sitwasyon ko.
Always remember, we can’t buy back time. Hindi na natin maibabalik yung
nakalipas na. Wag mong hayaan na sabihin yung salitang “SANA”. Take
action now, overcome your FEAR.
Gusto kong sabihin mo sa sarili mo ngayon na “ I’M NO FEAR” , I’M FEARLESS” (isigaw mo 🙂 )
Ikaw, anong FEAR ba yung kinatatakot mo ngayon? Takot kapa rin bang ma reject? Mag fail? Mag take ng action?
Eto ang sagot dyan...
FACE EVERYTHING AND RISE....
TIPS To OVERCOME Your FEAR
Reviewed by Googler
on
15:01
Rating:

No comments: