Hindi madaling makuha ang mga bagay na may value at life changing.
Tandaan na lahat ng bagay may proseso, kapag minadali pangit ang
kalalabasan.
Pag nagsaing ka ng minadali, hilaw. Pag naglaba at minadali, hindi rin
kaaya aya at hindi ganap ang kalinisan, ang bahay na minadali, madaling
magigiba may dumaan lang na mahinang unos at pagyanig, dapat malalim ang
pundasyon at solido ang mga haligi.
Sa ngayon madami kang nakikitang may resulta. Natutuwa ka sa kwentong
buhay nila na dati ganun lang ngayon ganito na. Pero tandaan na ang mga
taong ito ay dumaan ng matinding pagsubok, panlilibak, pag uyam at pang
alipusta. Hindi sila pinaniwalaan, pinagtawanan, pinagkaisahan, at
minata pero napagtagumpayan nila dahil nakita nilang higit na mahalaga
ang mga pangarap nila kaysa sa mga opinyong mapangutya ng iba.
Resulta na lang nakikita mo ngayon, pero yung dugot luha hindi. Isipin
mong nasa alighment stage ka. Isipin mong nasa unang level ka pa lang.
Na sa mga unang bahagi ay dapat mas malaki at mas madaming kaalaman muna
ang makuha mo kaysa kita. Kasi once na alam na alam mo na ang ginagawa
mo at sistemang meron ka, dun pa lang magsisimula ang totoong NEGOSYO.
NEGOSYONG IKAW NA ANG NAGPAPATAKBO.
If it's not happening now, it doesn't mean it won't happen in the future..
Reviewed by Googler
on
14:47
Rating:

No comments: