Una sa lahat gusto kong maintindihan mo na hindi mo maha-handle ang isang objection kung ang objection ay hindi naman totoo.
Karamihan kasi ng mga objection na matatanggap mo ay mga palusot lang ng mga hindi interesadong prospects. Oo, totoo! Kung gusto mong mabawasan yung bilang ng mga palusot na natatanggap mo, make sure na ma-qualify o ma sort out mo ng maige ang mga prospects mo.
Normal lang ang mga objections sa ating business. Pero alam mo ba na ngayon bihira na kong makatanggap ng mga objections. Sinisiguro ko kasi na qualified na prospects lang ang mga kakausapin ko.
Hindi ako nag-aaksaya ng oras sa mga prospects na hindi naman qualified. Yung mga tipo ng prospects na walang sapat na reason why para mag-start ng kanilang sariling business.
Ang isa pang pagkakamali ng madaming networkers ay pinipilit nilang i-handled yung mga palusot na objections. Hindi mo maha-handle ang palusot na objections. Mapapagod ka lang at mag-aaksaya ka lang ng panahon.
Ang tanging mga matutulungan mo lang na ma-overcome yung kanilang mga concerns ay yung mga talagang interesado at yung mga prospect na nakita kung
ano yung nakita mo sa network marketing, yung bigger vision at yung dream.
Professional networkers sort people, amateur networkers convince people.

Kung gusto mo ma handle at mabawasan yung objection galing sa prospects mo, kailangan alamin mo muna yung wants, desire, problems o yung tinatawag na reason why ng prospect mo.
Yung reason why kasi ng prospect mo ay pwede mong gamitin para ma handle mo
ng tama yung objection..

Isa sa pinaka simple and effective na paraan para i-handle yung objections ay sa
pamamagitan ng pagtatanong. Tatanungin mo yung prospect mo kung totoo ba talaga yung objection nila o nagpapalusot lang.
Sa pamamagitan din kasi ng pagtatanong malalaman mo agad kung qualified ba yung prospect mo. Magagawa mong makapag save ng time at makapag focus ka lang sa mga taong qualified at interesado.
Ito yung example na pwede mong sabihin para malaman mo kung nagsasabi ba ng totoo o nagpapalusot lang yung prospect mo.
Prospect: “Wala akong pera”
Ikaw: Pwede bang magtanong? Ok lang ba sayo kung magtapatan tayo sa isa’t-
isa?
Prospect: Yes bakit?
Ikaw: Ibig mo bang sabihin ay interesado ka sa business na to pero wala ka lang pera O sinasabi mo lang na wala kang pera dahil mabait kang tao at ayaw mo
kong ma-offend kaya hindi mo kaagad masabi na hindi ka interedado?
Kapag sinabi nilang hindi sila interesado, eto sabihin mo..
Ikaw: Sabi ko na eh..Hahaha. .Ikaw talaga..Walang problema, I understand..Hindi naman kasi talaga para sa lahat ang business nato. Ang hinahanap ko lang ay
yung interesadong matulungan ng opportunity nato.
This is direct question to your prospect,dito mo kasi malalaman kung palusot lang yung objection ng prospect o nagsasabi ba ng totoo.
Kung gusto mong maka pag save ng oras at ma minimize yung objection mula sa
prospect mo. Ang tanging kakausapin mo lang ay yung qualified at interesadong
tao.
Mostly kasi na nagbabato ng objection ay yung mga tao na hindi interesado at yong
nagpapalusot lang.
Keep in mind, network marketing is always a sorting of people business.
2 WAYS TO OVERCOME NETWORK/AFFILIATE MARKETING OBJECTIONS
Reviewed by Googler
on
00:36
Rating:

No comments: